Kampo ni VP Robredo, hindi tututol sa canvassing ng boto para sa presidential at VP elections
Hindi tututol ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa ginagawang bilangan ng mga certificate of canvass ng Kongreso para sa 2022 presidential at vice presidential elections.
“So as not to delay the proceedings of this board, we would like to make, of record, our continuing manifestation that we interpose no objection to the inclusion in the canvass of all the certificates of canvass for president,” pahayag ni Atty. Romulo Macalintal, election lawyer ni Robredo.
Dagdag nito, “And with that continuing manifestation, may we be allowed to respectfully waive our appearance before this joint committee to further expedite its proceedings.”
Kailangan aniyang tanggapin ang desisyon ng nakararami.
“Habang lumilinaw na ang litrato, kailangan natin simulang tanggapin na hindi ayon sa mga pangarap natin ang resulta ng eleksyon,” ani Macalintal.
Dahil dito, sinabi ni Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri na maari nang isagawa ang proklamasyon kina presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at presumptive vice president Sara Duterte-Carpio sa Miyerkules ng hapon, Mayo 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.