Mga pasaherong nakatanggap ng libreng sakay sa MRT-3, higit 15.3-M na

By Angellic Jordan May 24, 2022 - 02:32 PM

Sumampa na sa 15,381,945 ang kabuuang bilang ng mga nakatanggap ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, naitala ang nasabing bilang simula March 28 hanggang Mayo 23, 2022.

Sa higit 15 milyon, 8,472,637 pasahero ang nakalibre ng pamasahe noong unang buwan ng programa simula Marso 28 hanggang Abril 30.

Umabot naman sa 6,909,308 ang bilang ng mga pasaherong libreng nakasakay sa linya ng tren simula Mayo 1 hanggang 23.

Matatandaang ipinatupad ang naturang programa bilang pagdiriwang sa pagtatapos ng rehabilitasyon sa MRT-3.

Layon din nitong makatulong sa publiko dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga pangunahing bilihin.

Tatagal ang libreng sakay sa MRT-3 hanggang Mayo 30, 2022.

TAGS: DOTr MRT3, DOTrPH, InquirerNews, mrt3, MRT3 Libreng Sakay, RadyoInquirerNews, DOTr MRT3, DOTrPH, InquirerNews, mrt3, MRT3 Libreng Sakay, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.