COVID-19 reproduction rate, tumaas ng 1.5 porsyento – OCTA Research
Nanatili sa ‘low risk’ ang Metro Manila sa kabila nang pagtaas ng 1.5 porsiyento ng COVID-19 reproduction rate, ayon sa OCTA Research group.
Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, sa kabila nang pagtaas, hindi ito nangangahulugan na magkakaroon na ng mabilis at malaking pagtaas ng mga bilang ng kaso.
Paliwanag niya, nananatili sa 0.52 ang average daily attack rate, samantalang ang daily positivity rate ay nasa 1.2 porsyento sa average na 11,319 tests kada araw.
Samantala, ang hospital utilization rate naman ay nasa 21 porsiyento.
Sinabi pa ni David ang ‘best scenario’ sa susunod na linggo ay walang magiging pagbabago sa mga datos, samantalang ang ‘worst case scenario’ naman ay ang pagkakaroon ng ‘weak surge’ ng COVID-19 cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.