Maghihintay muna ang Commission on Elections na ideklarang bakante ng Mababang Kapulungan ng Kongreso angpuwesto ni Cavite Congressman Crispin “Boying” Remulla.
Pahayag ito ng Comelec sa gitna ng pagtatalaga ni incoming president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Remulla bilang susunod na kalihim ng Department of Justice.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Comelec Commissioner George Erwin Garcia, dalawang opsiyon ang nakikita nila para mapunan ang maiiwang congressional seat ni Remulla.
Una ayon kay Garcia ay ang pagsasagawa ng special elections subalit mangangailangan pa aniya ng batas ukol dito.
Pwede rin naman sa kabilang banda na magtalaga na lang ang Speaker of the House ng care taker sa distrito na maaring umakto bilang congressman mula sa kalapit na distrito o di kaya ay nasa discretion na mismo ng House speaker kung sino ang ilalagay na care taker.
Sinabi pa ni Garcia na kung alin man sa dalawang opsyon ang mapagpasyahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay siyang susundin ng Comelec.