Mababakanteng posisyon ni Congressman Boying Remulla, bahala na ang Kongreso na magpasya

By Chona Yu May 24, 2022 - 12:48 PM

 

Maghihintay muna ang Commission on Elections na ideklarang bakante ng Mababang Kapulungan ng Kongreso angpuwesto ni Cavite Congressman Crispin “Boying” Remulla.

Pahayag ito ng Comelec sa gitna ng pagtatalaga ni incoming president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Remulla bilang susunod na kalihim ng Department of Justice.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Comelec Commissioner George Erwin Garcia, dalawang opsiyon ang nakikita nila para mapunan ang maiiwang congressional seat ni Remulla.

Una ayon kay Garcia ay ang pagsasagawa ng special elections subalit  mangangailangan pa aniya ng batas ukol dito.

Pwede rin naman sa kabilang banda  na magtalaga na lang ang  Speaker of the House ng care taker sa distrito na maaring umakto bilang congressman mula sa kalapit na distrito o di kaya ay nasa discretion na mismo ng House speaker kung sino ang ilalagay na care taker.

Sinabi pa ni Garcia na kung alin man sa dalawang opsyon ang mapagpasyahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay siyang susundin ng Comelec.

 

TAGS: boying remulla, comelec, George Garcia, news, Radyo Inquirer, special election, boying remulla, comelec, George Garcia, news, Radyo Inquirer, special election

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.