Duterte humihirit sa susunod na administrasyon na i-explore ang nuclear energy
Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na gagalugarin ng susunod na administrasyon ang posibilidad na gumamit ng nuclear energy.
Pahayag ito ng Pangulo sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa nangyayaring gulo sa pagitan ng Russia at ukraiine.
Sa Talk to the People, sinabi ng Pangulo na mas maganda kung maghahanda ang susunod na administrasyon sa paggamit ng nuclear energy.
“Kaya we are not yet dito sa nuclear level but I hope that the next administration would at least explore now the possibility of itong nuclear… Tutal ang nag-umpisa naman nito si Marcos noon. Nagpagawa siya ng nuclear plant but ano… You know oil is not infinite, may katapusan ‘yan. Someday it will dry up,” pahayag ng Pangulo.
“It would be good for any government to prepare the possibility of making the transition earlier from oil ‘yung fossil fuel to nuclear kasi ang nuclear is forever. Kaya lang medyo ma — delikado ‘to. You know kagaya ng sa Chernobyl ng Ukraine nagkaroon ng leak and so there was this radiation. Mabuti na lang all nations contributed to the control or fixing the Chernobyl including Russia, which is now attacking Ukraine,” pahayag ng Pangulo.
Sinabi naman ni incoming president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pinag-aaralan na niyang gumamit ng nuclear energy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.