Special elections sa Lanao del Sur, walang aberya ayon sa Comelec

Photo credit: Office of Comelec Chairman Pangarungan

Walang aberya na naitatala ang Commission on Elections kaugnay sa ginagawang special elections sa Lanao de Sur ngayong araw.

Ayon kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia, wala ni isang glitch na nairereport sa kanilang tanggapan.

Sinabi pa ni Garcia na nagbukas sa takdang oras ng 6:00 ng umaga ang mga presinto.

Nagsagawa ng special elections sa Lanao del Sur matapos magkaroon ng failure of elections dahil sa insidente ng karahasan.

Kabilang sa mga lugar na mayroong special elections ang Riantaran, Gadongan at Pagalamatan.

 

Read more...