38 na pamilya sa QC, nabigyan ng titulo ng lupa

By Chona Yu May 24, 2022 - 10:33 AM

Naipamigay na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa 38 pamilya ang titulo ng lupa na kiniatitirikan ng kanilang bahay sa lungsod.

Ayon kay Belmonte, naipamigay ang titulo sa pamamagitan ng Direct Sale Program ng lungsod.

Kasama ni Belmonte sa naigay ng titulo ang Housing and Community Development Resettlement Department (HCDRD).

Kabilanng sa mga nabigyan ng benepisyaryo mula sa Barangay Baesa (Asamba), Escopa III (PUD SITE), Bagong Silangan (Proper), Bagong Silangan (Covenant), Kaligayahan (Phase II), Fairview (Sitio Ruby), Brgy. Novaliches Proper (Fantasy HOA), Brgy. Bungad, Brgy. Sto. Niño, Brgy. Payatas (Sandig), at Brgy. Kaligayahan (QCHP No. 2).

Sa ilalim ng Direct Sale Program, naging lehitimong may-ari ng lupa ang mga residente na matagal nang naninirahan sa lote na pagmamay-ari ng gobyerno.

Ayon kay Belmonte, nabayaran ng mga benepisyaryo ang halaga alinsunod sa terms of payment ng lokal na pamahalaan.

Simula noong 2019, mahigit 340 QCitizen families na ang nabigyan ng titulo ng kanilang lupa.

 

TAGS: news, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Radyo Inquirer, titulo ng lupa, news, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Radyo Inquirer, titulo ng lupa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.