Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kasing bagsik ng COVID-19 ang kumakalat na sakit ngayon sa Eruopa na monkeypox.
Sa Talk to the People, hiniling ni Pangulong Duterte kay Health Undersecretary Doctor Abdullah Dumama na ipaliwanag ang peligro na dulot ng monkey pox.
Pero ayon kay Dumama, nasa one percent lamang ang mortality rate ng mga tinatamaan ng monkeypox.
Sinabi pa ni Dumama na hindi gaanong nagbibigay ng malalang sakit ang monkeypox.
Nagbiro naman ang Pangulo na hindi nga sana kasing deadly ang monkeypox gaya ng COVID-19 dahil kung hindi ay patay ang lahat ng unggoy sa Pilipinas.
Ag monkeypox ay isang common viral infection na laganap sa West at Central Africa.
MOST READ
LATEST STORIES