Pangulong Duterte umapela kay Putin na kontrolin ang mga sundalo sa Ukraine

By Chona Yu May 24, 2022 - 08:49 AM

Personal na umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President President Vladimir Putin na itigil na ang pag-atake sa Ukraine.

Sa Talk to the People, sinabi ng Pangulo na ginagawa niya ang apela bilang isang kaibigan ni Putin.

Ayon sa Pangulo, mistulang ayaw tigilan ni Putin ang laban.

“Sa pagka ngayon it’s a bleak picture because mukhang ayaw pa ni Putin hintuan ‘yung giyera at ‘yung — ang nakaawa kasi… Ako naman kaibigan ko si Putin eh. Pero the way they are handling the war everyday pati ‘yung mga civilian, binobomba na nila. Putin kaibigan ko man siya. You are in control of everything. Anyway you really started the ruckus there na higpitan mo ang mga sundalo mo. Nagwawala eh and killing,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo, dapat nang kontrolin ni Putin ang kanyang mga sundalo para matiyak na ang mga target lamang ang dapat na patayin at hindi ang mga inosenting sibilyan.

“Well, soldiers walang problema ‘yan kaya nga may army para pang-away talaga, to fight in case there is a war which is really the reality now. It’s not a “special military operation”, ginamit ni Putin ‘yang word na ‘yan. But actually it is really waging a war against a nation — a sovereign nation.  Pati ang… Tayong — tayo nasasaktan na dahil nakikita natin pati sibilyan, anak ng — pati ‘yung mga bata. Hindi, hindi… You know, you don’t… Iyong kanyon mo huwag mong itutok doon sa residential,” pahayag ni  Pangulong Duterte.

Agad namang nilinaw ng Pangulo na ayaw niyang makipag-away kay Putin o sa Russia.

“So ‘yung embassy ng Russia, kung nakikinig, I am not picking a quarrel with anybody. I said Putin is a friend of mine. But alam mo ‘pag nagpunta ka ng — it is your moral obligation to see to it na the civilians, the innocent ones, children, ‘yung mata — the elderly, mga babae pati ‘yung matata… Vulnerable masyado sila at walang — hindi sila marunong magtago, nandiyan lang sa bahay nila,” pahayag ng Pangulo.

Aminado ang Pangulo na nasasaktan siya sa mga sibilyan na nadadamay sa gulo.

“Ako nasasaktan lang ako sa mga inosente talaga. Maraming nagsasabi na pareho daw kami ni Putin nagpapatay. Alam mo gusto ko lang malaman ninyong Pilipino na pumapatay talaga ako. Sinabi ko ‘yan sa inyo noon pa. Pero ang pinapatay ko kriminal. Hindi ako pumapatay ng bata o matanda. Magkaiba ang mundo namin ni — ‘yung nangyayari ngayon sa Russia pati sa Amerika,” pahayag ng Pangulo.

Pebrero 24  nang lusubin ng Russia ang Ukraine.

 

 

 

TAGS: news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Russia, Ukriane, Vladimir Putin, news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Russia, Ukriane, Vladimir Putin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.