Unang hinihinalang kaso ng moneypox, napaulat sa Argentina

Reuters photo

Napaulat ang unang hinihinalang kaso ng monkeypox sa Buenos Aires, Argentina.

Kasunod ito ng lumalawak na alarma sa mga naitatalang kaso ng naturang virus sa Europe, at maging sa west at central Africa.

Ayon sa health ministry ng Argentina, isang residente ng Buenos Aires ang hinihinalang kaso.

Nakararanas ang residente ng sintomas ng monkeypox. Gayunman, sinabi ng health ministry na maayos ang kondisyon nito at naka-isolate habang isinasagawa ang mga serye ng mga pagsusuri.

Read more...