DILG, ipinag-utos sa LGUs na hanapin ang mga hindi pa bakunado vs. COVID-19

By Angellic Jordan May 23, 2022 - 01:45 PM

PCOO photo

Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs) na hanapin ang mga indibiduwal na hindi pa bakuna at hindi pa nakakatanggap ng booster shot laban sa COVID-19.

Kasunod ito ng na-detect na Omicron BA.4 subvariant sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, banta ang naturang subvariant sa kalusugan ng publiko.

Dapat aniyang palawakin pa ng mga LGU ang kanilang resources para mahikayat ang mga hindi bakunado na magpaturok ng bakuna.

“We direct all LGUs to be proactive in its vaccination efforts and seek these people who are eligible for inoculation,” pahayag ni Año.

Dagdag nito, “The Department of Health’s (DOH) detection of BA.4 signals the need for a more aggressive action to ensure that the people are vaccinated and protected against this highly contagious variant of COVID-19.”

Sa kabila ng napipintong transition ng kapangyarihan at responsibilidad sa mga bagong halal na opisyal, sinabi ng kalihim na dapat maging handa ang mga LGU na ipakilos ang lahat ng resources para matukoy ang lahat ng residente na hindi pa nagpapabakuna.

“Kailangan itong tiyagain ng mga pamahalaang lokal. Millions of Filipinos have been vaccinated months ago and that can work against our goal of protecting our people sapagkat itong BA.4 ay nakakalusot sa bakuna lalo na kung matagal nang naturukan,” ani Año.

Aniya pa, “Kung kinakailangang katukin ang bawat bahay para malaman kung sino ang dapat bakunahan, iyan po ang gawin natin.”

Inihayag pa nito na kailangang kalampagin ng LGUs ang pandemic health units, tulad ng Local COVID-19 Task Forces (LCTFs) at Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs), upang makatulong sa pagbabakuna ng mas marami pang indibiduwal.

“The LGUs have the existing tools to help them in identifying their constituents who must be vaccinated. We hope na gamitin nila ito to their advantage para mas marami pa ang mabakunahan,” saad nito.

Samantala, hinikayat naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya ang publiko na makiisa sa vaccination program.

“Malaki po ang maitutulong natin sa laban kontra sa mas nakahahawang Omicron variant na ito kung tayo po ay magpapabakuna. We are not only protecting ourselves but are also contributing to the overall welfare of our nation,” paliwanag nito.

Dapat din aniyang ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards (MPHS) upang magpatuloy ang mababang kaso ng COVID-19 sa bansa.

TAGS: COVIDbooster, COVIDvaccination, COVIDvaccine, DILG, eduardo año, InquirerNews, JonathanMalaya, RadyoInquirerNews, COVIDbooster, COVIDvaccination, COVIDvaccine, DILG, eduardo año, InquirerNews, JonathanMalaya, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.