Alex Lopez, naghain ng electoral protest vs incoming Manila Mayor Honey Lacuna

By Chona Yu May 23, 2022 - 06:41 PM

Photo credit: Atty. Alex Lopez/Facebook

Naghain ng protesta sa Commission on Election (Comelec) si Atty. Alex Lopez, tumakbong alklade ng Maynila, matapos ang masusing pagsusuri sa mga ebidensyang binigay ng volunteers at mga salaysay ng mga saksi sa umano’y malawakang dayaang naganap noong May 9, 2022 elections.

Sa loob ng isang linggo pagkatapos ng ‘pasasalamat motorcade’ ng Team Pagbabago, bumaha ng mga pahayag buhat sa mga tagasuporta ni Atty. Alex.

Umarangkada ang iba’t ibang sektor mula sa anim na distrito ng Maynila upang mangalap ng ebidensya at salaysay tungkol sa bilihan ng boto, pangbabanta, at hindi awtorisadong paggamit ng mga ari-arian ng gobyerno para sa pangangampanya.

Dahil sa kalidad at bigat ng ebidensya, pagkatapos makipagpulong sa kanyang mga abogado, napagpasyahan ni Atty. Lopez na ihain ang protesta at noong araw ng Biyernes, ika-20 ng Mayo 2022.

Nagsumite ito ng protesta sa pamamagitan ng e-filling sa Comelec at nitong Lunes (Mayo 23). Personal na isinumite ni Atty. Lopez ang kanya petisyon laban sa grupo ng Asenso Manilenyo.

Noong nakaraan linggo din, maramng naglabasang balita na sumisira sa magandang reputasyon ni Atty. Alex. Malamang ito ang isang dahilan na maituturing na hindi pa tapos ang laban sa pagka-alkalde ng Maynila.

Hanggang ngayon, kuwestyonable pa rin ang pagkakapanalo ng kabilang kampo lalo na ng lumabas ang resulta na mula Distrito 1 hanggang Distro 6 nakupong lahat ng Asenso ang buong posisyon na 9-0.

Ilan sa mga sektor na pumuna sa “pagkakapanalo” ng kabilang kampo ang samahan ng mga kabataan, senior citizen, drivers at riders, vendors, at iba pang grupo na kumakatawan sa maralitang Manileño.

Ramdam pa din ng Manileño na si Atty. Alex ang tunay na nagwagi noong nakaraang halalan. Solido ang paniniwala ng mga botante na nagkaroon ng malawakang dayaan kaya naman hanggang ngayon, lumalaban pa din sila para kay Atty. Alex.

Nakiisa na rin ang mga tagasuporta ng ibang partido sa layunin ni Atty. Lopez na maipakita ang katotohanan para sa Lungsod ng Maynila.

TAGS: #VotePH, 2022elections, AlexLopez, comelec, ElectionProtest, HoneyLacuna, InquirerNews, OurVoteOurFuture, RadyoInquirerNews, #VotePH, 2022elections, AlexLopez, comelec, ElectionProtest, HoneyLacuna, InquirerNews, OurVoteOurFuture, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.