Inihayag ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nag-alok ng tulong si South Korea Ambassador to the Philippines Kim Inchul upang masuri ang Bataan Nuclear Power Plant.
Sa panayam sa media, sinabi ni Marcos na ito ang isa sa mga natalakay sa kanilang pagpupulong.
Binuhay aniya ang diskusyon upang malaman kung ano pa ang maaring gawin sa kontrobersyal na planta.
“Pwede pa bang ituloy o kailangan nang magtayo ng bago. What are the things that we will have to do,” ani Marcos.
Base sa naging pag-aaral ng mga eksperto, pag-aaralan na aniya ang mga rekomendasyon at resulta kung kaya pa itong ipatupad sa nasabing planta.
Dagdag nito, “We will now study their recommendations and their findings and we will see if we can still apply because as we have been talking about all through the campaign, isa sa pinakamalaking problema is the supply of power.”
Matatandaang hindi pa kailanman nagamit ang naturang planta.
Maliban dito, natalakay din aniya ang isyu ng seguridad.