1,214 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas sa nakalipas na linggo

By Angellic Jordan May 23, 2022 - 04:27 PM

Nakapagtala ng 1,214 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Mayo 23, 2022, base ito sa naitalang datos simula Mayo 16 hanggang 22, 2022.

Mas mababa ito ng 9.9 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Mayo 9 hanggang 15.

Nasa 173 naman ang daily average cases.

Samantala, may 14 bagong severe and critical cases habang anim naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 17.4 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,125 sa 23,697 non-ICU beds ang gamit.

15.4 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 432 sa 2,812 ICU beds ang gamit.

Nasa 718 naman ang severe and critical admissions, o 12.9 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

TAGS: BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews, BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.