Halos P4 dagdag sa presyo ng gasolina, ipatutupad bukas

By Angellic Jordan May 23, 2022 - 02:59 PM

Radyo Inquirer On-Line photo

Bad news sa mga motoristang gumagamit ng gasolina.

May bigtime price increase na ipatutupad sa gasolina sa araw ng Martes, Mayo 24.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, PetroGazz, PTT Philippines, Seaoil, Shell, at Unioil, may dagdag na P3.95 sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon naman ng tapyas na P2.30 sa kada litro ng diesel.

Rollback na P2.45 naman ang ipatutupad sa kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price adjustment sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (Mato 24).

Magiging epektibo naman ang paggalaw ng presyo sa ibang oil companies bandang 6:00, Martes ng umaga, habang 8:01 ng umaga sa Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang oil company.

TAGS: BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, oil price increase, oil price rollback, RadyoInquirerNews, BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, oil price increase, oil price rollback, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.