Kabuuang bilang ng medalya na nakuha ng Pilipinas sa 31st SEA Games, umabot sa 226
Ibinuhos ng mga atletang Pilipino ang pagpapakitang gilas sa ika-31 Southeast Asian (SEA) Games.
Sa datos ng Philippine Sports Commission hanggang Mayo 23, umabot sa 226 ang kabuuang bilang ng nasungkit na medalya ng Pilipinas.
Sa nasabing bilang, 52 ang gold, 70 ang silver, habang 104 naman ang bronze.
Sa huling araw ng ika-31 SEA Games, nasungkit pa ni Phillip “El Kapitan” Delarmino ang gintong medalya sa Men’s Combat 57kg class ng Muay Thai competition.
Bronze medal naman ang nakuha nina Marjorie Manguiat, Raegan Gavino, Sam Andrei Doragos at Raine Gavino sa Women’s 4x100m Surface event.
Pang-apat ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming nakuhang medalya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.