Pagbibigay ng mga benepisyo ng healthcare workers ipinaalala ni Sen. Bong Go
Pinatiyak ni Senator Christopher Go sa Malakanyang at Department of Health (DOH) ang maayos na pagpapatupad ng batas para sa mga benepisyo ng health care workers (HCWs) sa bansa.
Kasunod ito ng pahayag ng DOH ukol sa pagsusumikap na mapabilis ang pagpapalabas ng COVID 10 sickness and death compensation na nagkakahalaga ng P1 bilyon sa mga kuwalipikadong HCWs at support staff.
“Nagpapasalamat po ako sa Department of Health sa mabilisang pagtugon sa pangangailangan ng ating healthcare workers. Dapat lang po talaga na aksyunan agad ng gobyerno ang nararapat para sa kanila lalo na’t nakasaad ito sa batas,” ayon pa kay Go.
Panawagan pa niya, kung may pondo naman ay ibigay ang lahat na nararapat na mga benepisyo.
Noong nakaraang Abril 27, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang RA 11712 na nagbibigay ng tuloy-tuloy na benepisyo at allowances sa private at public healthcare workers ngayon nagpapatuloy ang pandemya maging sa tuwing may public health emergency sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.