1Q tax collection ng BIR kinapos

PDI PHOTO

Ibinahagi ng Department of Finance (DOF) na kinapos ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kanilang target collection sa unang tatlong buwan ng taon.

Katuwiran naman ng BIR, ginamit ng mga negosyante ang kanilang input tax credits sa kanilang mga pagbili sa ilalim ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law.

Umabot sa P485.4 bilyon ang koleksyon ng BIR noong Enero hanggang Marso at ito ay mababa ng P47.2 bilyon o 8.9 porsiyento na mababa sa target na itinakda ng Development Budget Coordination Committee.

Ngunit, mataas pa rin ang nakolektang buwis ng P32.4 bilyon o 7.2 porsiyento kumpara sa nakolektang P452.9 bilyon sa katulad na panahon noong nakaraang taon.

Samantala, ang nakokolekta na sa value added tax (VAT) sa unang tatlong buwan ay P113.5 bilyon na P15.6 bilyon o 16 porsiyento na mas mataas kumpara sa nakolektang P97.9 bilyon noong 2021.

Read more...