Philrem president, nakapagpyansa na kaugnay sa PNP graft case

 

Inquirer file photo

Nakaiwas sa pagkaka-aresto si Philrem president Salud Bautista nang magpiyansa ito sa Sandiganbayan kahapon.

Dumating si Bautista alas-3 ng hapon sa Sandiganbayan para magbayad ng P30,000 na piyansa at sumailalim sa booking procedure.

Magugunita na si Bautista ay kabilang sa mga kinasuhan kaugnay sa maanomalyang kontrata na pinasok ng Philippine National Police (PNP) sa Werfast courier service, kung saan isa sa mga pangunahing akusado ay si dismissed PNP Chief Alan Purisima.

Nadawit si Bautista sa kaso dahil sa magiging incorporator ng Werfast na ka-joint venture ng Philrem at CMIT Consultancy Group Inc.

Noong Huwebes, nagpalabas na ang 6th division ng anti-graft court ng warrant of arrest para sa lahat ng mga akusado sa kaso sa sumunod na araw, Biyernes, ay sumuko at personal na nagpiyansa rin sa Sandiganbayan si Purisima.

Ang Philrem o Philippine Remittance Co. ni Bautista ay nasasangkot rin ngayon sa diumano’y pagkakanakaw ng $81 million mula sa central bank ng Bangladesh at naipasok sa Pilipinas sa pamamagitan ng money laundering.

Read more...