7 patay, 120 nailigtas sa nasunog na sea vessel sa Quezon
Nasawi ang pitong katao at 120 naman ang nakaligtas sa mga sakay ng nasunog na sasakyang pandagat sa karagatan sakop ng Real, Quezon.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), may pito sa mga sakay ng M/V Mercraft 2 ang nawawala samantalang limang babae at dalawang lalaki ang mga nasawi.
May 23 naman ang nasaktan sa insidente at ang mga ito ay ginagamot na sa mga ospital.
Nabatid na alas-5 kaninang madaling araw nang bumiyahe ang naturang sasakyang-pandagat mula sa Polillo Island.
May isang kilometro na lamang sa Port of Real nang magsimula ang sunog.
Maagap naman na sumaklolo ang ibang RoRo vessels para mailigtas ang mga pasahero na nasa tubig.
Nagpapatuloy pa ang search and rescue operations ng PCG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.