Pilipinas wala pang kaso ng monkeypox

 

Walang kaso ng monkeypox virus sa bansa.

Ayon sa Department of Health, walang naitatalang kaso ng monkeypox sa bansa kahit sa mga borders nito.

Una nang napaulat na mayroon nang monkeypox sa Eurupa, Amerika, Canada at United Kingdom.

Base sa abiso ng World Health Organization (WHO), ang monkeypox ay isang viral disease na mula sa hayop na karaniwang natatagpuan sa tropical rainforest areas sa Central at West Africa.

Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, rashes, at swollen lymph nodes.

Nakukuha ang sakit na monkeypox sa pamamagitan ng close contact sa isang apektadong tao o hayop o sa contaminated materials.

 

Read more...