Kaso vs illegal e-sabong operators inihahanda na ng PNP
Natukoy ng PNP – Anti Cybercrime Group ang anim na operators ng illegal online sabong.
Sinabi ni PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo, anim na ‘sites’ ang natukoy na nila na may operasyon ng online sabong, na ipinatigil na kamakailan ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Fajardo, inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga operators ng illegal e-sabong at nakahanda na silang magsagawa ng mga pag-aresto.
Kasabay nito, tatalima ang CIDG sa utos na ‘crack down’ ni PNP officer-in-charge, Lt. Gen. Vicente Danao sa mga lumalabag sa utos na suspensyon ng online sabong sa bansa.
Ayon kay CIDG director, Maj. Gen. Eliseo Cruz may mga natanggap silang impormasyon na may mga operasyon pa rin ng online sabong sa bansa.
Simula naman noong Marso, 41 na ang inaresto ng CIDG at siyam na kaso na ang naisampa kaugnay sa online sabong operation sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.