Obama, hinimok ang China na sumunod sa international law

 

Inquirer file photo

Nanawagan si US President Barack Obama ng mapayapang pag-resolba sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Giit ni Obama, hindi dapat binu-bully ng malalaking bansa ang mas maliliit sa kanila tulad ng ginagawa ng China sa Vietnam at iba pang bansang kaagaw nito sa mga teritoryo sa South China Sea.

Naging magkasundo ang US at Vietnam dahil sa pareho nitong pagtutol sa pagiging agresibo ng China sa pag-angkin nito sa mga bahagi ng South China Sea kung saan $5 trillion na halaga ng kalakalan ang dumadaan taun-taon.

Matatandaang nagsasagawa ng serye ng mga reclamation at mga airstrips sa mga bahagi ng rehiyon para sindakin ang mga kaagaw nito na Vietnam, Malaysia, Brunei at pati na ang Pilipinas.

Nilinaw ng Estados Unidos na wala silang kinakampihan sa isyung ito, ngunit nais nilang igiit ang freedom of navigation and flights sa dagat na ito kaya nagpadala na sila ng warships sa mga islang hawak ng China.

Ayon pa kay Obama, patuloy silang maglalayag, at magpapalipad ng kanilang mga aircrafts kasabay ng kanilang mga isasagawang operasyon alinsunod sa nakasaad sa international law.

Suportado aniya nila ang karapatan ng mga bansa at hinihimok nila ang ibang bansa na ganoon din ang gawin.

Read more...