Sen. Bong kumpiyansa sa reporma sa Sangguniang Kabataan

By Jan Escosio May 20, 2022 - 09:11 PM

Tiwala si Senator Christopher Go na magkakaroon ng positibong pagbabago sa Sangguniang Kabataan (SK).

Kasunod ito nang pagbibigay na ng mga benepisyo sa mga halal na lider kabataan matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang RA 11768.

“It is through our barangays and SKs that government programs and services reach our people. Nararapat lamang po na bigyan natin ng insentibo ang mga indibduwal na gumagawa ng mga programang ito para sa gobyerno,” ani Go.

Nakasaad sa batas, paliwanag ni Go, na tatanggap ng buwanang honorarium ang lahat ng mga opisyal ng SK at ito ay huhugutin sa pondo ng SK.

Bukod pa dito aniya ang iba pang mga benepisyo na nakasaad sa ibang batas.

Samantala, 10 porsiyento ng pondo ng barangay ay dapat na ilaan sa SK at ito ay gagamitin sa youth development programs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.