Drilon sa mga bagong senador: Mag-aral at sumunod sa tradisyon

By Jan Escosio May 20, 2022 - 08:35 PM

Sa 12 na nanalo sa pagka-senador nitong nakalipas na eleksyon, tatlo ang bagito – Senators Raffy Tulfo, Robin Padilla at Mark Villar.

At ang payo sa kanila ni Senate Minority Leader Frank Drilon ay mag-aral nang mag-aral at sumunod sa mga tradisyon ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Aniya ang mga senador ay nasa ‘aquarium’ ang binabantayan ng buong bansa at nabanggit din nito ang ‘social media.’

“The 24 senators would be easy to monitor as contrated in the House where there are over 300. You can hide under the numbers there. In the Senate, you can’t do that,” pagpupunto pa ni Drilon.

Dapat din aniya sumunod ang mga ‘bagitong’ mambabatas sa mga tradisyon sa Senado.

Sa mga nanalong senador, apat ang reelectionists, Sens. Migz Zubiri, Risa Hontiveros, Sherwin Gatchalian at Joel Villanueva, samantalang lima naman ang nagbabalik lamang sa Senado – Sens. Chiz Escudero, JV Ejercito, Loren Legarda, Jinggoy Estrada at Allan Peter Cayetano.

Samantala, dumistansiya naman si Drilon sa usapin kung sino ang susunod na mamumuno ng Senado, gayundin sa pamumuno sa ibat-ibang komite.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.