Gobyerno bayad na sa P300-B utang sa Bangko Sentral

By Chona Yu May 20, 2022 - 08:27 PM

Ibinahagi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na bayad na ang P300 bilyong utang ng gobyerno sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

 

Ayon kay Dominguez nabayaran ang utang bago pa sumapit ang actual maturity date nito sa darating na Hunyo 11.

 

Aniya binayaran na ang utang para magpatuloy ang suporta ng BSP sa mga programang may kinalaman sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya sa pagsisimula ng susunod na administrasyon.

 

Paliwanag pa ng kalihim dahil nakakabangon na ang bansa at napalakas ang koleksyon sa nakalipas na taon, naibaba sa P300 bilyon ang ‘provisional advances’ mula sa P549 bilyon.

 

Malaking tulong naman aniya ang naibigay na suporta ng BSP para sa mga programa at proyekto sa pagbangon ng bansa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.