Bagong ‘Juan Flavier’ sa DOH hiniling ng grupo ng mga doktor

Isang katulad ni yumaong dating Health Secretary Juan Flavier ang nais ng Philippine Medical Association (PMA) na susunod na mamumuno sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni PMA president, Dr. Benito Atienza, dapat ay pasensiyoso, malawak ang pang-unawa at pinahahalagahan ang bakuna ang taglay ng kalihim ng DOH.

Dagdag pa niya, kailangan ay iniintindi din ang hinaing ng mga healthcare workers lalo na sa usapin ng mga benepisyo at sahod.

Bukod pa dito, dagdag din ni Atienza, kailangan ang susunod na kalihim ay mapagkumbaba, tututukan ang mga pasilidad at malawak ang pananaw sa usapin ng kalusugan.

“Iyong ang dating ay parang ang aming idol na si Juan Flavier. Iyon dapat, iyong mga idol namin na mga doktor na at least, nakaka-communicate, nadadala po iyong mga sentimiyento ng ating mamamayan at pinapahalagahan po ang health workers at ang ating mamamayan,” aniya.

 

 

Read more...