Partylist solon ikinatuwa ang paalala ng BIR sa SC discount sa online purchases

By Jan Escosio May 20, 2022 - 08:17 PM

Ikinalugod ni Senior Citizens Partylist Representative Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes ang paalala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga establismento ukol sa ‘discount privileges’ ng senior citizens at person with disabilities (PWDs) sa pagbili ng kanilang mga pangangailan sa pamamagitan ng text message o online.

Sa mga pagdinig ng pinamumunuan niyang House Special Committee on Senior Citizens, binanggit ni Ordanes ang mga natanggap niyang reklamo ukol sa hindi pagbibigay ng diskuwento ng maraming establismento sa mga senior citizens na gumagamit na ng ‘e commerce.’

Ipinarating na din niya ang isyu sa Department of Trade and Industry, na agad din ipinaalala na ang ‘online at proxy purchases’ ng senior citizens ay sakop ng naaayong diskuwento.

Paliwanag ng mambabatas, base sa Expanded Senior Citizens Act of 2010, ang mga senior citizens ay may pribelihiyo na 20% discount with VAT exemption sa mga produkto at serbisyo.

Aniya umigting ang isyu ng hindi pagbibigay ng diskuwento sa senior citizens sa kanilang ‘online purchases’ nang hindi sila palabasin ng bahay dahil sa pandemya.

Sa Revenue Memorandum Circular 71-2020 na inilabas ni BIR OIC Marissa Cabreros, inatasan nito ang kanilang field officials na ipatupad ang joint resolution ng pitong ahensiya, kasama na ang DTI, Department of Health, Department of Social Welfare and Development at BIR para sa pagsunod ng mga establismento sa pagbibigay diskuwento sa senior citizens at PWDs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.