Muling naghatid ng karangalan si Hidilyn Diaz sa Pilipinas nang makakuha muli ito ng gintong medalya sa isinasagawang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Nakuha ni Diaz ang gintong medalya sa women’s weightlifting 55kg event. Siya ang kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist.
Kabuuang 206 kg ang kanyang binuhat sa nabanggit na event, 92 kg sa ‘snatch’ at 114 sa ‘clean and jerk.’
Kabilang naman sa limang tinalo ni Diaz si Thai 2016 Olympic gold medalist Sanikun Tanasan.
Una nang nakakuha ng gold medal si Diaz noong 2019 SEA Games sa bansa at bago ito ay may dalawang silver medal na siya noong 2011 at 2013 SEA Games, matapos makakuha ng bronze medal noong 2007 SEA Games.
MOST READ
LATEST STORIES