Balasahan ng mga mahistrado ikinasa sa Korte Suprema
Nagalaw ang mga posisyon sa tatlong dibisyon ng Korte Suprema sa pagkakatalaga kay Associate Justice Maria Filomena Singh.
Ang 1st Division ay pamumunuan ni Chief Justice Alexander Gesmundo, si Associate Justice Ramon Paul Hernando naman ang ‘working chairperson,’ at miyembro sina Associate Justices Rodil Zalamadea, Ricardo Rosario at Jose Midas Marquez.
Pamumunuan n ani Senior Associate Justice Marvic Leonen ang 2nd Division at miyembro sina Associate Justices Amy Lazaro Javier, Mario Lopez, Jhosep Lopez at Antonio Kho Jr.
Si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa naman ang mamumuno sa 3rd Division at miyembro sina Associate Justices Henri Jean Paul Inting, Samuel Gaerlan, Japar Dimaampao at Singh.
Nagpalabas ng special order si Leonen, bilang acting chief justice, kaugnay sa reorganisasyon. Naka-‘wellness leave’ si Gesmundo hanggang sa katapusan ng kasalukuyang buwan.
Inaasahan na walang mangyayari pang balasahan sa Korte Suprema hanggang sa pagreretiro ni Lopez sa Hunyo 4, 2025.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.