Proklamasyon sa mga mananalong party-list groups itinakda sa Mayo 25

By Chona Yu May 20, 2022 - 09:28 AM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Target ng Commission on Elections na maiproklama na ang mga nanalong party-list groups sa Mayo 25.

Ayon kay Comelec spokesman Director John Rex Laudiangco, sa Mayo 24 pa kasi magkakakroon ng special elections sa Lanao del Sur.

Kapag naisagawa ang special elections at agad na mabilang ang boto, maaring mai-proklama na ang mga nanalong party-list groups sa Mayo 25.

Nasa 685,000 na boto ang nasa Lanao del Sur.

Isasagawa ang special elections sa Lanao del Sur matapos magkaroon ng failure of elections dahil sa banta sa seguridad.

Dagdag ni  Laudiangco na hihintayin pa ng Comelec na ma-transmit ang resulta ng 1,191 na local absentee votes sa Shanghai, China.

Kinakailangan na makakuha ng dalawang porsyento na boto ang mga party-list groups sa total number of votes cast para makaupo sa puwesto sa House of Representatives.

Hanggang tatlong puwesto ang maaring makuha ng isang party-list group.

Pag-aaralan pa ng Comelec kung saan gagawin ang proklamasyon sa mga mananalong party-list groups.

 

 

TAGS: comelec, Director John Rex Laudiangco, Lanao Del Sur, news, party-list groups, proklamasyon, Radyo Inquirer, special elections, comelec, Director John Rex Laudiangco, Lanao Del Sur, news, party-list groups, proklamasyon, Radyo Inquirer, special elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.