Binatilyo, nilapa ng leon sa India

May 25, 2016 - 04:24 AM

Mula sa Google

Isang 14-anyos binatilyo ang hinihinalang nilapa at napatay ng leon sa Gujarat, India.

Nangyari ang insidente sa isang taniman ng mangga kung saan naninirahan ang kanilang pamilya.

Mayroon namang bahay ang mag-anak ngunit kadalasan silang natutulog sa labas dahil masyadong mainit sa loob.

Ginagawa nila ito sa kabila ng ilang beses nang paalala sa kanila ng plantation manager na ang kalapit nilang gubat ay dinadaanan ngayon ng mga leon sa kanilang migration.

Noong Sabado, hindi na nila makita ang binatilyo kaya humingi na sila ng tulong sa mga otoridad.

Nagsagawa ng paghahanap ang mga pulis at ang wildlife department, at saka natagpuan ang ilang bahagi ng katawan ng binatilyo sa magkakahiwalay na bahagi ng gubat.

Nakita ang katawan nito sa isang lugar na pinaniniwalaang pinagtataguan ng leon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.