PCG, kinumpirma na dumami ang presensya ng mga mangingisdang Filipino sa Pag-asa Island
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagtaas ng presensya ng mga mangingisdang Filipino sa Pag-asa Island.
Sa kasagsagan ng deployment ng pinakamalaking barko ng Coast Guard sa West Philippine Sea (WPS) mula Mayo 12 hanggang 14, natututukan nila na umabot sa 25 Filipino ang nangisda sa bisinidad ng nasabing karagatan.
Sinuri ng ahensya ang kondisyon ng mga mangingisda at nagbigay ng relief supplies at COVID-19 bilang suporta sa kanilang pangingisda.
Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng presensya sa nasabing isla, napatunayang nadagdagan ang kumpiyansa ng mga mangingisda para sa kanilang kaligtasan.
“Through our continuous modernization, we ensure that our kababayans can freely explore our marine resources while protecting our marine environment for the future generations,” dagdag nito.
Sinabi naman ni National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) Chairman and National Security Adviser, Secretary Hermogenes Esperon na kailangang hikayatin ang mga mangingisdang Filipino na ipagpatuloy ang pangingisda sa West Philippine Sea.
Dapat din aniyang magtayo ng fuel depot at ice storage plant sa Pag-asa island para maasistihan ang mga mangingisdang Filipino.
Samantala, ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade sa PCG na tiyaking ikasisiya ng mga mangingisda ang mayamang marine resources ng bansa at ligtas na makakauwi sa kani-kanilang pamilya.
“The PCG will always be in line with the direction of the national government to protect the country’s sovereign rights and safeguard every Filipino at sea,” ani Abu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.