OCTA: Limang lugar sa NCR, walang naitalang kaso ng COVID-19

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa limang lugar sa National Capital Region (NCR).

Sa Twitter, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na kabilang dito sa Las Piñas City, Malabon, Navotas, Pasig, at San Juan.

Umabot sa 45 ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa Metro Manila noong Miyerkules, Mayo 18.

Sa nasabing bilang, 10 bagong COVID-19 cases ang naitala sa Quezon City; pito sa Caloocan City, anim sa Taguig City, habang tig-lima sa Makati at Maynila.

Narito naman ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa mga sumusunod na lugar:
– Pasay City (3)
– City of Mandaluyong (2)
– City of Parañaque (2)
– City of Valenzuela (2)
– City of Marikina (1)
– City of Muntinlupa (1)
– Pateros (1)

Read more...