Mayor Belmonte, umapela sa DILG na nagpatupad ng reporma sa mga kulungan
Umapela si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagpatupad ng reporma sa mga kulungan.
Hirit ito ni Belmonte matapos ang staged riot sa Quezon City Jail Male Dormitory kung saan isang bilanggo ang nasawi.
Ayon kay Belmonte, dapat paiigtingin ang seguridad sa mga kulungan para hindi makapasok ang mga kontrabando gaya ng deadly weapon at ilegal na droga.
Kasabay nito, pinuri rin ni Belmonte si QC Male Dormitory Warden Supt. Michelle Bonto dahil sa maayos na pagtugon sa riot.
“Isa sa mga ginagampanan ng mga jail institution ay ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga mamamayan na magbago at makabangon mula sa kanilang pagkakasala. Pero, paano natin mababago ang buhay ng mga PDL kung habang nasa loob ng piitan ay nalululong sila sa ilegal na droga at nadadamay sa mga kaguluhan,” pahayag Belmonte.
Matatandaang nagkarambola ang mga miyembro ng Batang City Jail para patalsikin si Bonto.
“That’s why I call on our DILG, the current and upcoming SILG, to press for prison reforms. They can counter wrongdoings inside the institution if we address the PDL’s needs, implement a stricter and humane prison policy, and more importantly, capacitate our police and BJMP personnel and make them less tempted to accept bribes in exchange for the unhampered entry of weapons and drugs,” pahayag ni Belmonte.
“I salute Jail Warden Bonto for the success of the operation, which stops the proliferation of drugs and contrabands inside the prison. Natutuwa ako na kaisa kayo ng lungsod patungo sa iisang layunin: ang matuldukan ang ilegal na droga at maling gawain sa QC,” dagdag ni Belmonte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.