Davao City naghahanda na sa ‘enggrandeng’ victory party

 

Inquirer file photo

Naghahanda na ang libu-libong mga tagasuporta n Davao City Mayor at presumptive President-elect Rodrigo Duterte sa pagsasagawa ng malawakang ‘thanksgiving’ party sa June 4, 2016.

Sa naturang okasyon, inaasahang aabot sa 100,000 mga residente at mga turista ang lalahok at dadagsa sa Crocodile Park sa pagitan ng 1:00 PM hanggang 1:00 AM.

Ayon kay PNP Region 11 Director Chief Supt. Manuel Gaerlan, posibleng may mga celebrities at mga entertainers na imbitado sa okasyon bukod pa sa mga VIP na inaasahang dadalo.

Dahil sa dami ng inaasahang tao, nananawagan si Gaerlan sa publiko na makipag-tulungan sa PNP at sa iba pang mga security personnel sa araw ng kasiyahan upang matiyak na magiging mapayapa ang okasyon at hindi malalagay sa alanganin ang kaligtasan mismo ni Duterte.

Inaabisuhan din ang mga tao na dadalo sa victory party na dumating ng maaga sa venue dahil kinakailangang dumaan sa masusing security check ang mga ito.

Read more...