Pormal nang idineklara ng PAGASA ang panahon ng tag-ulan sa bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Obet Badrina, asahan pang makararanas ng mga pag-ulan, lalo na hapon o gabi.
Ngunit paglilinaw nito, kahit rainy season na ay maari pa ring makaranas ng mainit na panahon o ang tinatawag na monsoon break.
Sa ngayon, dalawang weather system pa rin ang umiiral sa kalupaan ng bansa.
Nakakaapekto aniya ang Frontal System sa Extreme Northern Luzon habang Southwesterly Surface Windflow naman ang nagdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon.
Samantala, localized thunderstorms lamang ang mararanasan sa natitirang bahagi ng bansa.
Ayon pa kay Badrina, walang inaasahang low pressure area (LPA) o bagyo na papasok o mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na araw.