Walang naitalang election-related incident vs. media sa 2022 polls – PNP
Iniulat ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na walang election-related incident sa mga media practitioner sa nakalipas na 2022 National and Local Elections.
Nilinaw nito na ang mga naitalang banta, harassment, stabbing at shooting incidents na kinasasangkutan ng media ay hindi nagpapakita ng motibo na may kinalaman sa tungkulin sa kasagsagan ng election period.
Naitala ang mga naturang insidente simula Pebrero 14 hanggang Mayo 16.
Tinukoy ng PNP Public Information Office na napaulat ang mga kaso sa Regions 5, 8, 10, Cordillera Administrative Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Gayunman, nangako ang pambansang pulisya na magsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa mga kaso kahit hindi ito election-related incident.
“The creation of Media Vanguards within our organization has created a huge impact in safeguarding our media practitioners who took the role of being our information frontliner this election season,” pahayag ni PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr.
Simula nang ilunsad ang Media Vanguards, ginawang aktibo ng mga istasyon ng pulis ang kanilang desk para tumanggap ng media-related complaints, iberipika, at asistihan ang paghawak ng mga kaso.
“The offshoot of this initiative can be observed with the strong relationship between the media industry and law enforcers such as the PNP,” ani Danao.
Kasunod din ng mataas na kumpiyansa, sinabi ni Danao na nagawa ng media practitioners na maihatid ang mga balita ukol sa eleksyon.
“It became a tool for the PNP to reach a wider audience with the premise that these vital information can help in increasing the public’s awareness of the developments in this election,” dagdag nito.
Binati naman ni Danao ang mga indibiduwal na bahagi ng pagtitiyak ng seguridad sa eleksyon at paglaban sa disinformation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.