Mon Tulfo, inaresto dahil sa kasong libel

Photo credit: Isumbong Mo Kay Tulfo/Facebook

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang broadcaster na si Ramon “Mon” Tulfo, Jr. dahil sa kasong libel.

Inihain ng mga tauhan ng MPD-Special Mayor Action Team (MPD-SMART) ang warrant of arrest sa kapatid ni presumptive senator Raffy Tulfo sa loob ng quadrangle ng Manila City Hall pasado 10:00, Miyerkules ng umaga.

Inilabas ang warrant ni Manila Regional Trial Court Branch 24 presiding judge Maria Victoria Soriano-Villadolid.

Sinabi ng MPD na ang kaso ay bunsod umano ng paglabag sa Section r (c) (4) ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa ngayon, nakakulong si Tulfo sa tanggapan ng MPD-SMART.

Read more...