12 senador na nanalo sa 2022 elections, dadalo sa proklamasyon sa PICC
Kumpirmadong dadalo sa proklamasyon sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City ang 12 senador na nanalo sa katatapos na 2022 National and Local Elections sa Miyerkules ng hapon, Mayo 18.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, nag-abiso na sa kanilang hanay ang 12 senador.
Pinapayagan ang bawat nanalong senador na magkaroon ng limang kasama.
Ayon kay Garcia, nakabase sa ranking ng pagkakapanalo ang pagtawag sa mga nanalong senador.
Pinadalhan na rin aniya ng imbitasyon sina Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo, Senate President Vicente “Tito” Sotto III, House Speaker Lord Allan Velasco at Chief Justice Alex Gesmundo.
Gayunman, wala pang binabanggit si Garcia kung sino sa mga inimbitahan ang dadalo.
Si Comelec Chairman Saidamen Pangarungan ang nangunguna sa proklamasyon ng 12 nanalong senador mamayang 4:00 ng hapon.
Narito ang mga nanalong senador:
– Robin Padilla
– Loren Legarda
– Raffy Tulfo
– Sherwin Gatchalian
– Chiz Escudero
– Mark Villar
– Alan Peter Cayetano
– Migz Zubiri
– Joel Villanueva
– JV Ejercito
– Risa Hontiveros
– Jinggoy Estrada
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.