Batas na magbibigay ng proteksyon sa mga batang ulila, nilagdaan na

PCOO photo

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magbibigay ng mas matibay na proteksyon sa mga batang inabandona ng mga magulang o mga ulila.

Batay sa Republic Act 11767, ang isang ulilang bata na nasa Pilipinas o natagpuang inabandona sa mga embahada ng bansa, konsulada, at mga teritoryo sa ibang mga bansa ay ikokonsidera nang natural-born Filipino citizen, kahit ano pa ang sitwasyon o sirkumstansiya ng pagkakasilang sa kanila.

Nakasaad pa sa batas na entitled sa lahat ng karapatan at proteksyon sa pagsilang pa lamang nito.

Ginagarantiyahan din ng batas na makapag-iisyu ng certificate of live birth o kilala bilang birth certificate sa bata nang walang pagkaantala, at may karapatan itong makuha ang lahat ng documentary requirements na isinumite para sa registration.

Mayroong pananagutang kriminal ang sinumang mga magulang na ibinigay sa safe haven providers ang sanggol na 30 araw na gulang pa lamang o mas bata pa rito.

Kabilang sa maituturing na safe haven providers ay lisensiyadong child-caring o placing agencies, simbahan, DOH-accredited health facilities, local Social and Welfare and Development Services (DSWD) o residential care facilities na pinangangasiwaan ng lokal na pamahalaan.

Read more...