Magnitude 5.1 na lindol tumama sa Calayan, Cagayan

Tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa Cagayan, Martes ng hapon.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 31 kilometers Southeast ng Dalupiri Island (Calayan) bandang 4:42 ng hapon.

16 kilometers ang lalim nito ang tectonic ang origin.

Bunsod nito, nakapagtala ng intensities sa mga karatig-lalawigan:
Intensity 4 – Calayan, Cagayan
Intensity 3 – Pasuquin, Bacarra at Laoag City, Ilocos Norte; Sanchez Mira, Cagayan

Instrumental Intensities:
Intensity 3 – Pasuquin, Ilocos Norte
Intensity 2 – Laoag City, Ilocos Norte at Claveria, Cagayan
Intensity 1 – Gonzaga, Cagayan

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga nabanggit na bayan.

Ngunit, maaring makaranas ng aftershocks.

Read more...