Higit 68.6-M Pilipino, fully vaccinated na sa COVID-19
Tuluy-tuloy pa rin ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa Pilipinas.
Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mahigit 68.6 milyong Filipino na ang fully vaccinated kontra sa nakahahawang sakit hanggang Mayo 16, 2022.
Katumbas aniya ito ng 76.3 porsyento ng target eligible population.
Ani Vergeire, 13.6 milyon indibiduwal ang nakatanggap na ng booster shot, habang lagpas 33,000 na immunocompromised individuals ang nakakuha na ng ikalawang booster shot.
Muli nitong hinikayat ang humigit-kumulang 40 milyong Filipino na magpaturok ng booster shot upang magkaroon ng dagdag-proteksyon laban sa banta ng mga bagong variant ng COVID-19.
“In three to six months, maari na pong bumaba ang ating immunity kung hindi po tayo tatanggap ng ating booster shot,” ani Vergeire.
Dagdag nito, “Huwag na po nating hintayin ang pagtaas ng bilang ng mga kaso bago tayo magpabakuna upang mapanatili nating under control ang ating healthcare system.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.