Malakanyang tutol sa paglilipat ng labi ni dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani
Nanindigan ang Malakanyang laban sa paglilipat sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Sa harap ito ng balak ni Presumptive President Rodrigo Duterte para magkaroon ng paghihilom ng sugat at para mawakasan na ang galit sa puso ng bansa dulot ng nasabing usapin.
Ayon kay Communication Secretary Sonny Coloma, tulad ng mga naunang sinabi ni Pangulong Aquino sa mga nakaraang panayam sa kanya tulad ng Foreign Correspondents Association of the Philippines, nananatili itong kontra sa nasabing hakbangin.
Matatandaang sinabi ng pangulo na hindi ito mangyayari habang siya ang pinuno ng bansa.
Gayunman, sinabi ni Coloma na iginagalang nila ang pananaw at paniniwala ni Duterte patungkol sa nasabing isyu. / Alvin Barcelona
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.