Sen. Gatchalian iginiit ang ‘full opening’ ng public, private schools

By Jan Escosio May 17, 2022 - 01:37 PM

Senate PRIB photo

Paniwala ni Senator Sherwin Gatchalian na mas mapapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa kung magbubukas na ang lahat ng mga paaralan, pribado at pampubliko, para sa face-to-face classes.

Ginawa ito ni Gatchalian matapos suportahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbubukas ng lahat ng mga paaralan para sa ‘in-person classes.’

Dagdag pa ng senador, bagamat hindi requirement ang pagkakaroon ng bakuna kontra COVID-19, napakahalaga pa rin aniya na magpursige sa vaccination drive sa mga mag-aaral, partikular na sa mga nasa edad lima hanggang 11 taong gulang.

Una na ring nanawagan ang IATF sa public schools na hayaan ang Department of Health (DOH) na magamit ang eskuwelahan sa vaccination rollout.

“Napapanahon nang buksan natin ang ating mga paaralan para sa face-to-face classes, lalo na’t nananatiling mababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Kung nakakapagbukas at nakakabangon na ang ibang mga sektor, hindi na dapat mapag-iwanan pa ang sektor ng edukasyon, lalo na’t nais nating tiyakin ang magandang kinabukasan ng ating mga kabataan at muling pagsigla ng ating ekonomiya,” sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education.

Giit niya, lubhang naapektuhan ng COVID-19 crisis hindi lamang ang ekonomiya ng bansa, kundi maging ang kalidad ng edukasyon.

TAGS: facetofaceclasses, InquirerNews, private schools, public schools, RadyoInquirerNews, SherwinGatchalian, facetofaceclasses, InquirerNews, private schools, public schools, RadyoInquirerNews, SherwinGatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.