Sen. Angara, kumpiyansa sa Senate independency sa 19th Congress

By Jan Escosio May 17, 2022 - 01:18 PM

Naniniwala si Senator Sonny Angara na mananatili ang pagiging ‘independent’ ng Senado sa pagpasok ng 19th Congress sa ilalim ng bagong administrasyon.

“I think the Senate will always maintain some degree of independence given the diversity of its members,” sabi nito.

Dagdag pa ni Angara, may kanya-kanyang adbokasiya, ideolohiya at pananaw ang mga uupong senador sa 19th Congress.

“I think the 18th Congress provides a good model for the upcoming 19th Congress in terms of work ethic, leadership and productivity,” ayon pa senador.

Sinabi pa nito na naging mahaba man ang naging talakayan sa pagitan ng mga senador, nagbunga naman ang mga ito nang batas na lubos na kinakailangan sa gitna nang pagharap sa pandemya.

Aniya, malaking tulong ang nagawa ng Senado sa Malakanyang para matulungan naman ng gobyerno ang mga mamamayan.

TAGS: 19thCongress, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SonnyAngara, 19thCongress, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SonnyAngara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.