Pilipinas bigo pa ring maabot ang 77 milyong katao na mabakunahan kontra COVID-19
Magdo-doble kayod ang pamahalaan para maabot ang 77 milyong target population na mabakunahan kontra COVID-19 bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center chairperson Undersecretary Myrna Cabotaje na kulang pa ng 8.3 milyon para maabot ang target.
Sa kasalukuyan aniya, nasa 68.7 milyon na ang mga Filipinong nakakumpleto na ng bakuna.
Kaugnay nito, sinabi ni Cabotaje na mayroon pang 4.3 milyong mga Filipino ang kailangan nang maturukan ng second dose.
Mayroon ding panibagong 4 na milyon na pwede aniyang kunin sa mga lima hanggang 11 taong gulang.
May suplay din aniya ng bakuna na higit 2 milyon para sa mga 11 hanggang 17 taong gulang at tatlong milyon naman sa mga senior citizen.
Kung hindi man aniya maabot ang 77 milyon ay kahit malapit-lapit lamang sa numerong ito hanggang June 30.
Para sa mga fully vaccinated individuals, sinabi ni Cabotaje na may 13.6 milyon pa lamang ang nabigyan ng fist booster shot, mula sa 56.9 milyon sa mga ito na due na para rito.
Ibig sabihin aniya ay mayroon pang 43 milyon ang pwedeng mabakunahan ng 1st booster shot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.