Hacking attempts sa Comelec website iniimbestigahan pa rin

Nagpapatuloy ang pag-iimbestiga sa sinasabing mga pagtatangkang hacking sa website ng Commission on Elections (COMELEC).

Kasabay nito ang pag-amin ni Comelec spokesman, Atty. John Rex Laudiangco na natatagalan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pagbusisi sa halos 20,000 pagtatangka na pasukin ang Comelec website ng mga hackers.

Katuwiran nito, komprehensibo at masusi ang pagsisiyasat na ang layon ay mapapanagot ang nasa likod ng mga pagtatangka

Gayunman, ipinagmalaki ni Laudiangco na dahil sa mga pagtatangkang ito ay napatunayan nila na matatag ang defense o security ng website ng comelec.

Nangako ito na ibabahagi ang resulta ng pag-iimbestiga ng DICT.

Read more...