CHR pina-aaksyon sa Flores de Pusher sa Tanauan, Batangas
Pinakikilos ng Malacanang ang Commission on Human Rights sa isinagawang flores de pusher o pagpaparada ng mga hinihinalang mga tulak ng droga sa Tanauan City, Batangas.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, tiwala sila na gagawin ng CHR ang mandato nito at aalamin kung naayon sa batas o hindi ang ginawa sa Tanauan City.
Ang pahayag ay kasunod na din ng shame campaign ng Lokal na Pamahalaan ng Tanauan matapos na iparada sa lansangang ang labing-isang pinaghihinalaang tulak ng droga.
Ilan sa mga suspek ay itinatanggi na may kinalaman sila sa paratang ibinabato sa kanila.
Umani ng magkakaibang opinyon ang nasabing insidente lalo’t ilan sa mga suspek ay itinatanggi na may kinalaman sila sa mga ibinibintang sa kanila. / Alvin Barcelona
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.